Friday, July 13, 2012

Paalam Mang Dolphy, 1928-2012


            Pumanaw na ang ating Hari ng Komedya na si Rodolfo Vera Quizon, Sr. o a.k.a Mang Dolphy sa edad na 83.

Si Mang Dolphy ay lumalaban sa sakit na COPD o tinatawag na Chronic Obstructive Pulmonary Disease. Ito ay isang kundisyon na naglilimita ng paglalabas-masok ng hangin sa baga dahil sa paninikip nito.  Kung inyong natatandaan, Noong June 9, 2012 ay isinugod sa Makati Medical Center (MMC) ang Hari ng Komendya dahil sa mananakit ng dibdib o sa sakit nitong pneumonia. 


Bumuti ang kalagayan ni Mang Dolphy noong June 19, tinanggalan pa ito ng respirator at umabot ng anim na oras subalit kinagabihan ay inilagay ulit ito. Ayon sa MMC, kaylangan siyang salinan ng dugo dahil sa kanyang pagbaba ng hemoglobin count. Nalabanan din nya ang ilang beses ng pagatake ng pneumonia mula pa sa birthday ni Eric Quezon. Umabot ng mahigit 32 days si Pidol sa Hospital.
                
             Ayon sa inihayag ng anak ni Dolphy na si Eric Quezon Shortly before 8:34 p.m. Tuesday “Dolphy’s heart rate went down to zero, his breathing stopped, and his blood pressure dropped to forty over nothing” Si Mang Dolphy ay namaalam na. Nagluksa at nakiramay ang buong Pilipinas.
              
            “Ayon sa GMA News, Relatives of the late Comedy King Rodolfo 'Dolphy' Vera Quizon are considering a 3 p.m. schedule for his burial on Sunday at the Heritage Park in Taguig City.”
                 
             Ikinatuwa naman ng pamilya ang pagdedeklara ng 'National Day of Remembrance' para kay Mang Dolphy, Hulyo 13 Friday. 

             Blogger: "Sa Pamilya po ni Comedy King Rodolfo Vera Quizon, Sr., ako ay nakikiramay sa inyo. Mang Dolphy kung saan ka man ngayon, gusto ko lang sabihin na ikaw ay isang inspirasyon ng bawat Filipino at ikaw ay nagbigay ng ngiti sa aming mga puso"
 Maraming Salamat Pidol, Mabuhay ka!

No comments:

Post a Comment