Oo. Ang pagtakbo ay isang ipektibo
sa pagbawas ng timbang, lalo na kapag sinabayan mo ng regular running routine
at pagbawas ng mataas na calories sa pagkain. Ang pagtakbo ay isang pangunahin nirerekomenda
ng isang Fitness Guru sa pagbawas ng timbang. Kung ikaw ay bagohan sa pagtakbo, kaylangan mo muna magpakonsulta at mag-physical exam sa doktor lalo na kapag ikaw ay may ganitong karamdaman o history ng sakit
na ito:
- - Ang inyong lifestyle ay walang o irregular na ehersisyo.
- - Hindi nag-ehehersisyo sa idad na 50 pataas.
- - Ikaw ay may heart trouble.
- - Buntis
- - Sobrang Taba o overweight
- - Ikaw ay current o former na naninigarilyo.
- - Ikaw ay may mataas na Blood Pressure.
- - Ikay ay may diabetes.
- - Ang inyong pamilya ay may history ng Heart Disease.
- - Ikay ay may masamang kondisyon sa katawan.
- - Pilay.
Sapatos
Napaka-importanteng
disisyon ang pagpili ng tamang sapatos. Ang paggastos at paghanap ng sapatos ay
makakatulong sa iyong paa upang maging komportable at makaiwas sa ano mang injury.
Hanapin niyo ang eksperto o salesperson sa running shoe store upang ikaw ay
makapili ng tamang sukat ng sapatos (running shoe).
Safety
- - Tanongin ang sarili kung handa ka na ba? I-check ang sapatos kung ito ba ay nakatali. Alamin ang ruta ng inyong pupuntahan o pagjojogingan. Magpaalam sa inyong kasama o pamilya at sabihin ang ruta ng inyong pagjojogingan.
- - Kahit ano mang oras, maging visible sa mga driver. Magsuot ng puti o bright-colored clothes.
- - Huwag tumakbo ng gabi ng walang kasama.
- - Magdala ng Identification Card o Insurance Card sa inyong bulsa.
- - Iwasan o limitahan pag pagdadala ng MP3 o iPod upang marinig ang mga busina ng kotse, bike, tahol ng aso o sigaw ng mga tao/kapwang runners.
- - Magdala ng pera o credit card.
No comments:
Post a Comment