
Ang mga kalaban ay hindi maaaring umalis sa linya na kanilang inaapakan. Ngunit, maaari silang umabot. Hindi maaaring lumabas sa linya ang tumatawid na manlalaro. Ang unang linya(taya) ay may tinatawag na Leader kung saan maguumpisa ang labanan sa paghampas ng kamay. Ang nasa gitna(taya) ay tinatawag na patotot.
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Ang sarap balikan noong araw na ako ay naglalaro nito kaya ang www.harangangbatis.com ay hangaring akitin ang mga Kabataang Pilipino na maglaro ng harangang batis upang hindi ito mabura sa ating kasaysayan.
Bilang blogger, ako ay may isang tungkulin na magbibigay saya sa bawat bata na aking makikita kaya ang Harangang Batis 2014 Project ay ilulunsad ko sa aking Bayan, magiikot bawat barangay, maghahanap ng mga batang lalahok sa laro na ito at makakatanggap ng maliit na papremyo.
Ang blog na ito ay magbibigay din ng impormasyon tungkol sa Philippines, News, Health, Sports, Food, Travel, Technology, Gag, Filipinos on Youtube at ang aking Personal blog. Kaya sana po ay suportahan niyo ako.
Maraming Salamat
No comments:
Post a Comment